Look: Remedios Pedrano hinoldap at pinatay sa Makati

Patay ang isang babae matapos barilin sa ulo ng salarin na tumangay sa kaniyang mga gamit sa West Rembo, Makati City nitong Martes ng madaling araw.

Sinabing papasok na sa trabaho ang biktimang si Ma. Remedios Pedrano nang holdapin ito at binaril ng nakatakas na salarin.

Ayon sa ina ng biktima na si Amelita, 15 minuto pa lang nakakaalis ang kaniyang anak nang malaman niya ang masamang nangyari.

Madilim daw ang eskinita na dinaanan ng biktima at narinig pa ng ilang residente na humihingi ito ng tulong at nasundan ng isang putok ng baril.

Kaagad na nasawi ang biktima sa tinamo nitong isang tama ng bala sa ulo.

Natangay ng salarin ang kaniyang cellphone at pera na tinatayang P1,000.

Paniwala ng saksi, may kasabwat ang suspek dahil may isa pang lalaking nakatayo sa lugar kung saan binaril ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala at madakip ang mga salarin.




13935164_1406012999415473_1461785012777448188_n

13932685_1406011856082254_4407588449009681405_n



13887018_10210478967318595_1194627508731457886_n

Like our Facebook Page

Comments

comments